HALALAN 2010 / X-FILES / BERNI M. LUCERES
GIBO TEODORO HINDI SUSUGALAN NG ARROYO!
Si Gibo Teodoro ay bagong miyemro lamang ng Lakas-Kampi-CMD-GMA. Ang dating partido ni Gibo ay Nationalist Peoples Coalition (NPC) ni Danding Cojuangco. Sa kabilang banda naman ay higit ng matagal sa partido ng Lakas-Kampi si MMDA Bayani Fernado. Ang tanong ngayon ay ganito: Bakit kinuha ni GMA-Lakas-Kampi-CMD si Gibo Teodoro kaysa kay Bayani Fernando? Simple lamang po ang sagot mga dear readers ko. Ang sagot ay ayaw ni GMA kay Bayani dahil mahina at walang panalo si Bayani sa pagka-presidente. Subalit si Gibo ay nakitaan ng Malakanyang na magaling at matalino kung kayat siya ang piniling kandidtao ng administrasyon. Inakala ni GMA-Lakas-Kampi-CMD na mabobola nila ang mga botante sa sinasabi nilang matalino at magaling si Gibo. Pero hindi nila nabola ang mga botante kung kayat palaging kulelat sa survey si Gibo. Wala pa sa sampung porsiyento (10%) ang palaging survey sa kanya subalit sila Noynoy Aquino at Manny Villar ay nasa kwarenta porsiyento (40%) na.
Dahil nga sa ayaw ni GMA-Lakas Kampi-CMD sa mahinang kandidato katulad ni Bayani Fernado kung kayat walang tulong (resources-financial) na makuha si Gibo kay GMA. Oo nga naman, sino ba naman ang taong pupusta sa mahina at patalo? Natural hindi papayag ang mga Arroyo na gumastos at maglabas ng malakaing pera para lamang igastos kay Gibo Teodoro na hindi tumataas sa survey. Ganyan kagaling at katalino ang GMA-Lakas-Kampi-CMD. Kung matalino at magaling si Gibo, si GMA at kanyang mga kaalyado ay higit na magaling at matalino kaysa sa kanya. Ika nga ay kayang paikotin nila GMA si Gibo. Si GMA ay “the veteran”, ngunit si Gibo ay “da vagito” pagdating sa politika. (the veteran vs. da vagito)
Sobra naman kasing gigil na gigil si Gibo na maging presidente ng Pilipinas. Kung nanatili ba siya sa kanyang tiyuhin na si Danding Cojuangco na isang ‘king maker’ ay hindi sana nasira ang kanyang political career. Mr. Gibo ayaw kasi ng mga Pilipino sa sobrang ambisyoso na katulad mo at ayaw na ayaw na rin sa handler mong si Mrs. Arroyo. Parehas ayaw kayo ng mga botante/Pilipino kung kayat palagi kang nangungulelat sa survey.
Dapat Gibo nag-senador ka muna kay Noynoy o kay Villar. Katulad ni Erap Estrada na kumandidato muna siya ng vice-president bago nag-presidente. Ang sabi kasi ng mga botante noon kay Erap na vice-president muna kasi nga ay kilalang mahina ang ulo ni Erap. Pero ikaw naman Gibo ay napaniwala mo ang ibang mga Pilipino na matalino ka kung kayat hindi kana magdadaan sa vice-president bagkus ay diretso ka ng presidente kapag naging senador ka na. Dapat ganito ang ginawa mo Gibo. Hindi mo ito ginawa kung kayat maraming mga Pilipino ang nagdududa sa galing at talino (GT) mo. Tanong nga ng mga scholars ay –“kung talagang magaling at matalino ka ay bakit dumikit ka ng todo kay Gloria?” Naging mabait at mahusay bang presidente si GMA para dumikit ka sa kanya?
Nangyari na ang mga pangyayari. Ang moral lesson sa mga naganap ay:- “Huwag lumipad ng pagkataas-taas para hindi lumagapak kung bumagsak”
PAALALA: Lamig ulo lang sana mga dear readers ko. Umiwas sa pakikipag-away dahil sa nalalapit na presidential election. Kung gusto n’yo ng matalino (kuno) ay iboto n’yo siya. Subalit, huwag aawayin ang inyong kapwa na gusto namang iboto iyong inaakala nilang mabait, tumutulong talaga, mayroong delicadeza at hindi magnanakaw, (kuno-kuno).
No comments:
Post a Comment