HALALAN 2010 / X-FILES / BERNI M. LUCERES
MGA SENADOR NI NOYNOY AQUINO NAGALIT KAY KRIS AQUINO?
Totoo ba ang umuugong na balita na galit ang mga senador ni Noynoy kay Kris? At dahil nga sa galit ang mga senador ni Noynoy kay Kris ay muli na namang nagkakagulo ang Liberal Party. Ang ikinagagalit daw ng mga senador ni Noynoy ay iyong ginawa ni Kris Aquino na lantarang muling inendorso ni Kris si Tito Sotto.
Mayroon namang katuwiran na magalit ang mga senador ni Noynoy kay Kris. Ika nga ay gusto ng mga senador ni Noynoy na manalo siyang presidente. Subalit si Kris naman ay tila ayaw niyang manalo ang kakamping senador ng kanyang kapatid. Sa madaling salita ay hindi dapat naging taklesa si Kris Aquino na endorsohin niya si Tito sapagkat siya ay kalaban ng mga kakampi ni Noynoy. Wala na bang delicadeza o kaunting kahihiyan si Kris Aquino? Parang sinampal niya ang mga senador ng kanyang kuya Noynoy sa ginawa niyang pag-endorso. Sila Tito Sotto naman ay bakit naman kinuha pa nila si Kris Aquino? Hindi ba nila naisip na malalagay sa alanganin si Kris dahil ang dapat na endorsohin ni Kris ay iyong mga senador ng kanyang kuya Noynoy. Subalit iba ang nangyari!. Enendorso ni Kris ang kalabang senador nila Noynoy. Miss Kris Aquino did it not come to your intelligent mind that you are clearly in conflict with the campaign strategy of your brother? Kaya pala maraming naniniwala na ikaw ang magpapatalo sa kuya Noynoy mo. Sana iwas taklesa ka muna ngayon Miss Kris habang hindi pa tapos ang halalan.
Sa lumabas na bagong survey ng Asia Pulse ay nangunguna pa rin si Noynoy, humina si Villar at lumakas si Erap. The survey is politically correct, kasi po ay naghahatian talaga ng boto si Erap at si Villar. Magkaparehas kasi ang campaign style ni Erap at Villar na silang dalawa ay maka-mahirap at parehong orange pa ang kanilang kulay. Ganito talaga ang mangyayari, at mabuti na lamang ay hindi napapayag ni Kris Aquino si Erap Estrda na umatras na sa labanan. Taklesa talaga si Kris dahil kung napapayag niya si Erap na umatras sa laban ay siguradong palaging number one si Villar sa mga surveys. Kung nangyrai nga iyan ay si Kis ang nagpatalo ng laban.
Mr. serge Osmeňa, ang maprinsipyong kandidatong senador ni Noynoy, ano ba sa tingin mo si Miss Kris? Hindi mo ba siya pwedeng patigilin na huwag siyang basta-basta makialam sa politika kung walang bendisyon ng Liberal Party. Imposible naman kasing pumayag ang Liberal Party na endorsohin ni Kris si Tito dahil of course mayroon conflict. Ika nga ay dapat tulungan ni Kris ang mga senador ng kanyang kuya dahil itong mga senador ng kanyang kuya ang tumutulong para naman manalong presidente si Noynoy? Simple logic or common sense lang naman Miss Kris. Matalino ka huwag kang magpagamit sa ibang mga politiko. Mag-focus ka sa Liberal Party. Sa ginawa mong pag-endorso kay Tito ay posibleng hindi iboto ni Serge ang kuya Noynoy mo. Pwede ring mangyari na hindi iboto ang kuya mo nila Sonia Roco, Biazon, Lacson at iba pa, kasi lumalabas na kinakalaban mo ang mga senador ng Kuya Noy mo. What do you think Miss Kris, are you correct or not correct?
Miss Kris nakatutok sa’yo ang mga kalaban ng kuya mo. Hinihintay ka nilang magkamali dahil taklesa ka. Kaya sana naman ay umayos ka dahil 41 days na lamang ay botohan na. (Note: This is just my fair and reasonable analysis and I am not endorsing anybody in this humble column of mine)
PAALALA: Lamig ulo lang sana mga dear readers ko. Umiwas sa pakikipag-away dahil sa nalalapit na presidential election. Kung gusto n’yo ng matalino (kuno) ay iboto n’yo siya. Subalit, huwag aawayin ang inyong kapwa na gusto namang iboto iyong inaakala nilang mabait, tumutulong talaga, mayroong delicadeza at hindi magnanakaw, (kuno-kuno).
Monday, April 5, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment