HALALAN 2010 / X-FILES / BERNI M. LUCERES
SENATOR “E-VAT RECTO” AT SENATOR “NOTED KIKO” PANGILINAN
Itong nakaraang Sabado ay nangampanya sa Plaza Moriones Tondo, Manila ang Liberal Party. Nakita ko si Ralp Recto na kasamang tunay ng Libeal Party. Nakita ko rin ang mga posters niya na kasama ang kanyang asawa na si Batangas Governor Vilma Santos. Matindi rin naman ang mag-asawang ito sapagkat sila’y nagtutulungan sa isa’t isa. Lumulutang talaga si Vilma Santos para makahatak ng maraming boto ang kanyang asawa na si Senator E-VAT. Naku po mga dear readers ko, ibabalik pa ba natin si Ralph Recto sa senado? Nakakatakot siyang ibalik dahil ang ginagawa niya sa senado ay pataasin ang buwis na dagdag pahirap. Kabisado naman natin magtrabaho itong si Recto-EVAT. Kung saan siya giginhawa ay doon siya pumupunta. Hindi ba naging kakampi siya ni Gloria Macapagal Arroyo (GMA) noon? Ngunit dahil napakabantot ni GMA sa sambayanang Pilipino eh kumampi naman siya sa Liberal Party. Ibang klaseng mama ito, naturingan batangenyo eh tila walang prinsipyo. Pansariling interes ang kanyang inuuna at walang paninindigan. Sa darating na halalan ay muling ipakita na ang sambayanan ang tunay na makapangyarihan. Iboto n’yo si Recto “E-VAT” kung guminhawa ang buhay nating mga Pilipino dahil sa ginawa niyang pagtataas ng buwis. Subalit kung naghirap tayo ay huwag tayong magpabola sa kanya at sa kanyang maganda at artistang asawa.
Nakita ko rin si Senator Noted Kiko Pangilinan sa nasabing kampanya ng Liberal Party. Nang makita ko siya ay naalala ko ang kapalpakan ni senator Kiko noong canvassing of votes for the president at sa vice-president. Gustong magpakita ang kampo ni FPJ ng mga ebidensiya ng karumal dumal na dayaan subalit palaging sinasabi ni senator Kiko ay “NOTED”. Dahil sa palaging ‘noted’ ang sinasabi ni KIko ay naupong presidente si GMA. Ngayon ay nangyari ang Maguindanao Massacre na ang suspek ay ang mga Ampatuan. Dahil sa masaker ay hinalughog ang mga bahay at mga lupain ng Ampatuan at maraming nakitang mga election returns. Ang tanong ay bakit maraming mga election returns ang nakabaon sa ilalim ng lupa? Hindi kaya ito ang kadayaan na sinasabi ng kampo ng FPJ? Senator Kiko Pangilinan sumasagi na ba sa isipan mo ang pagiging Senator Noted mo? Kasi po kahit isang beses ay hindi ka pumayag na maglabas ng ebidensiya ng pandaraya ang FPJ camp at ang palagi mong sinasabi ay “NOTED”.
Niwey nangyari na’yon, kaya’t ang nasasabi na lamang ng mga botante ay with due respect nakasisira sila sa Liberal Party. Tama ang paninidigan ni Serge Osmeňa na hindi dapat isinama si Ralp Recto sa Liberal Party. At si Senator Kiko Pangilinan naman ay dapat manahimik na lamang sa bahay at huwag ng sumama sa kampanya. Hindi naman siya ang nagpanalo sa sarili niya. Si Sharon “megastar” Cuneta ang nagpanalo sa kanya.
KAMPANYAHAN: Sang-ayon sa Section 5 (a) RA 7166 ang kampanyahan sa local level, governor, vice-gov., board member, mayor, vice-mayor, congressman at konsehal ay opisyal na magsisimula sa Marso 26 hanggang May 08, 2010.
PAALALA 1: Lamig ulo lang sana mga dear readers ko. Umiwas sa pakikipag-away dahil sa nalalapit na presidential election. Kung gusto n’yo ng matalino (kuno) ay iboto n’yo siya. Subalit, huwag aawayin ang inyong kapwa na gusto namang iboto iyong inaakala nilang mabait, tumutulong talaga, mayroong delicadeza at hindi magnanakaw, (kuno-kuno).
84 ARAW NA LAMANG AT HALALAN NA!
Monday, April 5, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment